Laktawan sa nilalaman

Tacloban Muli Nating Bisitahin

Tacloban City Trisikads In The Philippines
Ang Trisikad ay isang maraming nalalaman na Philippine Motorbike Taxi. Isang masaya at murang paraan ng paglalakbay sa Pilipinas.

Tacloban: Muli Nating Bisitahin (Tacloban: A Revisit)

Ang Tacloban ay isang mataas na urbanisadong lungsod at malapit sa siyudad sa Eastern Visayas. Ito ay tahanan ng tinatayang 242,089 na tao at narito sa sentro ng rehiyon. Ayon sa Asian Institute of Management Policy Center noong 2010, ang Tacloban ay pang lima sa pinaka competitive na siyudad sa buong Pilipinas, at noong 2020 DTI Ranking ng mga Highly Urbanized Cities, pang anim ang Tacloban sa mga itinalang mas umunlad na lungsod sa buong Pilipinas. .

Kahit pa man nakaranas ng delubyo dulot ng napakalakas na bagyong Yolanda noong 2013 ang Tacloban, kung saan maraming buhay ang nawala at nasira halos lahat ng tahanan, gusali at mga makasaysayang istruktura sa lugar, naging malaki ang pagbabago ng siyudad pagkatapos ng napakalakas na bagyo. . Ang lungsod ay muling bumangon, maraming bagong establisyemento kagaya ng mga hotel, restaurant at malls ang itinayo, naayos at mas pinaganda ang mga makasaysayang istruktura at pasyalan sa lugar, at ang mga tao naman ay naging mas matatag.

Ang pag-explore sa Ormoc City ay masaya at madali sa Motorized Tricycles sa Pilipinas
Ang pag-explore sa Ormoc City ay masaya at madali sa Motorized Tricycles sa Pilipinas

Paano Makakarating sa Tacloban?

Sa pamamagitan ng Daniel Z. Romualdez Airport

Ito ang pangunahin at mabilis na paraan upang makarating ng Tacloban mula Manila at Cebu. Meron din namang nagpapadala ng flight mula sa iba pang airport sa bansa kagaya ng mula sa Angeles City at Iloilo City. Maari ding makapunta ng Tacloban mula sa iba pang airport na malapit dito kagaya ng sa Calbayog City at Catarman.

Sa pamamagitan ng Bus

May mga bus kagaya ng DLTB at Philtranco ang mayroong araw-araw na biyahe galing Manila papuntang Tacloban. Maaaring bumili ng ticket sa bus terminal ng Cubao o Pasay sa Manila o di naman kaya bumili ng ticket online. Tinatayang mahigit 24 oras ang biyahe sa pamamagitan ng bus, kaya naman maghanda para sa mahabang biyahe ito.

Adventure Ng Paglalakbay sa Jeep Ng Pilipinas - Isang trak ang nakaparada sa gilid ng isang gusali - Bus
Tacloban Muli Nating Bisitahin 4

Mode of Transportation sa loob ng Tacloban City

Ang mga pribadong sasakyan ay maaring makapasok sa kalsada at mga kalye sa siyudad. Ang mga pampublikong sasakyan ay gaya ng jeepney, multicab, at bus na mula sa karatig bayan o munisipyo ay hanggang sa mga pangunahing kalsada lamang. Upang mapuntahan ang mga kalye sa loob ng siyudad, mayroong mga traysikel na pweding masakyan sa halagang 10-50 pesos na pamasahe. Noong 2018, pinalawak sa Tacloban ang GrabTaxi service na isang online transport booking service, ngunit dahil sa mas pabor pa rin ang mga lokal sa nakasanayang transportasyon sa siyudad, ang mga taxi dito ay hindi pa karamihan sa ngayon.

Kung ito ay ang una mong pagbisita sa Tacloban at gusto mong mamasyal at maglibot sa siyudad, mas makikilala mo ang lugar, mga tao at kultura dito kung ikaw ay maglalakad sa siyudad, o pwede rin namang gumamit o mag arkila ng pribadong sasakyan.

Makasaysayang Lugar at Mga Pasyalan sa Tacloban

Tulay ng San Juanico

Ang pamosong Tulay ng San Juanico ay ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas na nagkokonekta sa isla ng Leyte at Samar. Itinayo ito noong panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos para sa kanyang asawang si Imelda Marcos na orihinal na taga Leyte. Ito ay may habang 2.16 kilometro na ginawa sa loob ng apat na taon at opisyal na binuksan noong Hulyo 2, 1973. Naging kontrobersyal ang pagpapagawa ng tulay na ito noon, ngunit sa paglipas ng panahon, naging pamosong atraksyon ito sa mga lokal at mga dayuhan. at naging importanteng istruktura para sa ekonomiya ng siyudad ng Tacloban.

Kanhuraw Hill

Ang Kanhuraw Hill ay isang maliit at mataas na bahagi ng siyudad kung saan itinayo at matatagpuan ang Tacloban City Hall at ang Kanhuraw Business Center. Pinapasyalan ito ng mga tao lalo na sa umaga at sa hapon dahil kahit ito ay nasa siyudad, malalanghap mula dito ang sariwang hangin at nakakarelaks ang maberde nitong kapaligiran. Mula sa itaas ng Kanhuraw Hill, makikita ang Cancabato Bay at Balyuan Park.

Cancabato Bay sa Balyuan Park

Makikita sa kahabaan ng Magsaysay Boulevard sa siyudad ang Balyuan Park at mahinahong Cancabato Bay. Ang Balyuan Park ay isang makasaysayang lugar para sa mga taga Tacloban dahil dito naganap at ginugunita kada taon ang ritwal ng Balyuan. Ang ritwal na ito ay isinagawa noong nagpalitan ng imahe ng Sto. Nino ang Samar at Tacloban. Nandito rin ang Balyuan Amphitheatre kung saan ginaganap dito ang iba pang aktibidad ng siyudad lalong lalo na sa panahon ng pyesta at mga selebrasyon. Ang lugar na ito ay malimit puntahan ng mga lokal upang mag-jogging o mag-ehersisyo o kaya magpalipas ng oras o tumambay dahil sa magagandang tanawin at sariwang hangin. Masasaksihan din dito ang magandang paglubog ng araw.

Madonna ng Japan Memorial Park

Ang Madonna of Japan Memorial Park ay isa rin sa makasaysayang lugar na matatagpuan sa isang dako ng Kanhuraw Hill. Ito ay nakaharap sa Cancabato Bay sa may Magsaysay Boulevard. Ang lugar na ito ay naging kampo ng mga hapon noong panahon ng Pangalawang Pandaigdigang digmaan. Ang memorial park ay itinayo bilang simbolo ng kapayapaan at pagkakaibigan ng mga hapon at pilipino.

Ang Sto. Nino Parish

Ang simbahan ng Sto. Nino sa Tacloban ay isa sa mga makasaysayang istruktura ng siyudad. Ito ay itinayo noong 1596 bilang isang maliit na simbahan ng mga Jesuit. Noong 1860 sa pamamahala ng mga Franciscans, ang maliit na simbahan ay pinalaki at binigyan ng bagong disenyong gawa sa adobe at batong koral. Karamihan sa mga taga Tacloban ay mga Katoliko at debuto sa simbahang ito dahil nandito ang naghihimalang Sto. Nino. Noong 2013 ng rumagasa ang Bagyong Yolanda, nagkaroon ng malaking pinsala sa simbahan, ngunit sa tulong ng mga donasyon, ito ay naisaayos at mas pinaganda pa noong 2014.

Ang Sto. Nino Shrine at Heritage Museum

Ito ay itinayo ni Presidente Ferdinand Marcos at isa sa 29 rest house ng pamilya sa Pilipinas. Pero ang lugar na ito ay higit na masasabing isang museo kaysa isang rest house o shrine. Ito ay pinupuntahan lalo na sa mga educational tour dahil pinapakita dito ang iba't ibang kulay ng kultura ng mga pilipino. Makikita dito ang mga koleksyon ng pamilyang Marcos ng mga antique, mga pinta ng mga pamosong pintor, at iba pang mamahalin at magarang koleksyon ng pamilya mula sa ibang bansa. May bayad ang pagpasok sa Sto. Nino Shrine and Heritage Museum at mayroong tour guide na itatalaga para sa paglilibot sa buong mansion. Ang lugar ay bukas lunes hanggang biyernes mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

People Center Library

Ang People Center Library ay importanteng istruktura hindi lamang para sa mga taga-Tacloban kundi sa buong Leyte. Itinayo ito noong 1979 sa panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos. Ang mga gusali ay may malaking espasyo sa una at ibabang bahagi nito kung saan ito ay ginagamit na lugar ng mga selebrasyon at mga importanteng okasyon gaya ng pagtatapos ng pag-aaral, mga konsyerto, pag-iisang dibdib at iba pa. Sa ikalawang palapag ay matatagpuan naman ang malawak na aklatan na tinatayang may 55,000 na aklat at mga nobela ng mga pamosong manunulat gaya nina William Shakespeare, Mark Twain, James Joyce at marami pang iba. Makikita at mababasa rin dito ang orihinal na kopya ng libro ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere. Pagkatapos ng Bagyong Yolanda hanggang ngayon, ang aklatan ay hindi na naayos dahil sa kakulangan ng pondo para dito, ngunit mayroong mga pribadong organisasyon sa leyte na nagsusulong at naghahangad na ito'y ma salba at maisaayos.

MV Eva Jocelyn

Ito ang barkong sumadsad sa isang barangay sa Tacloban noong panahon ng bagyong Yolanda. Ginawa itong memorial park para sa mga daan daang tao na nawalan ng buhay noong kasagsagan ng malakas na baygo. Tuwing anibersaryo ng Yolanda, nag-aalay ng misa, bulaklak at kandila para sa mga nasawi ang gobyerno sa memorial park na ito.

Pintados sa Kasadyaan Festival

Ang Pintados ay isang selebrasyon ng kultura at reliyon na inaalay sa Sto. Nino (Baby Jesus). Pinag-isa ito sa Kasadyaan Festival na idinaraos tuwing June 29, ang pyesta sa lungsod. Ito ay linalahukan ng iba't ibang lungsod sa Leyte at Samar upang ipakita at ipagmalaki ang tradisyon, kasaysayan ng kani-kanilang lugar. Napakakulay at napakasaya ng tradisyon na ito para sa mga taga Tacloban, makasaysayan at importante ito kaya naman parati itong pinaghahandaan ng lungsod.

Hotels, Restaurant at Malls sa Tacloban 

(Mga Hotel, Restaurant at Mall sa Tacloban)

Mga Hotel

Hotel XYZ

Itinayo noong 2013, ang Hotel na ito ay may moderno at masayang awra na binabalik balikan ng mga manlalakbay at kliyente nito. Ang mga kwarto ay malaki ang espasyo at malinis. Ang hotel ay may mga estilo ng swimming pool, fitness gym, spa, restaurant, at mga function hall. Ang akomodasyon dito ay wala mula 1,900-5,900 pesos.

Ironwood Hotel

Isa sa mga magarang hotel sa Tacloban na malimit puntahan ng mga bakasyonista. Ito ay matatagpuan sa sentro ng siyudad. Ang pangalan ng hotel ay hango sa pangalan ng pinakamatibay na kahoy sa Pilipinas, ang Mangkono. Noongng Yolanda ay napatunayan ang tibay nito, ito ay nanatiling nakatayo noong kasagsagan ng bagyo at kahit na may nasira na bagyo mga kaganapan dito, ang matibay na pundasyon nito ay nanatili. Ang akomodasyon dito ay wala mula 3,250-5,000 pesos. May restaurant, spa at bar sa hotel na ito.

ZPad Residences

Isa sa mga budget hotel na pamoso sa mga manlalakbay sa Tacloban. Malinis at maayos ang mga kwarto at may magandang kagaya ng TV, aircon, free wifi, breakfast, at free parking. Malapit ito sa isang mall, hospital at pamosong fast food chain. Ang akomodasyon dito ay wala mula 1350-3700 pesos.

Marami pang bago at magagandang hotel ngayon sa Tacloban na pweding pagpilian depende sa inyong kailangan. Nandiyan ang Go Hotels, Summit Hotel, Reddoorz at iba pa.

  • Ocho Seafood Grill

Sinasabing ito ang da best na seafood restaurant sa siyudad. Makasisigurong presko ang pagkain dahil ang mga bisita mismo ang pipili ng preskong seafood na ihahanda. Ngunit hindi lamang mga seafood ang niluluto ng pamosong kainan na ito, naghahanda din dito ng mga lutong pinoy na binabalik balikan hindi lamang ng mga lokal kundi pati narin ng mga turista. Ang presyo ay makatwiran naman dahil hindi mo pagsisihan ang pagkain dito.

  • Dream Cafe

Isa rin sa mga paboritong puntahan ng mga taga siyudad at mga turista ang restaurant na ito. Kung gusto mong makatikim ng mga de kalidad na lutong pinoy at iba pang asian food, worth a try ang Dream Cafe . Maliban sa lutong pinoy, nagluluto din dito ng lutong australian. Marami ding iba't ibang klase ng inumin mula sa mga cocktail, wine, whisky at gin na pagpipilian.

  • kay Guiseppe 

Kung ikaw ay mahilig sa italian food, ang Giuseppe's ay nangunguna sa listahan ng magandang kainan. Malinis at komportable ang kainan at kapanapanabik ang pagkain sapagkat ito'y maamoy mula sa dining area habang niluluto. Ang may-ari ng restaurant ay isang italian at ang mga pampalasa na ginagamit ang galing pa sa ibang bansa. 

  • Patio Victoria

            Kung gusto mo naman ng restaurant na malapit sa dagat, ang Patio Victoria ay isa sa pwede mong puntahan. Ito ay malapit sa airport ng Tacloban, tahimik, nakakarelax at makikita mula dito ang maliit na isla ng Deo. Mula sa simpleng salo-salo gaya ng breakfast, lunch at dinner, nagseserve din sila para sa malakihang pagtitipon o okasyon. Pwede ring magligo sa dagat at swimming pool dito.

  • Mga mall

Mga mall

Pagkatapos ng bagyong Yolanda noong 2013, maraming bagong malls ang itinayo sa Tacloban. Bago pa man, mayroon ng Robinsons Place bilang malapit sa mall at mayroong dalawang gusali sa siyudad. Mayroong SM Savemore, Metro, at Gaisano Malls din. Ang mga malls na ito ay nasa mga lokasyon sa siyudad na madaling ma-access ng mga manlalakbay.

Pamosong

(Pagkain at Delicacy sa Tacloban)

Dahil ang Tacloban ay nasa sentro ng rehiyon, makikita mo dito ang mga paboritong pagkain hindi lang ng mga taga siyudad kundi pati narin ng mga taga Samar at Leyte at iba pang parte ng Visayas. Kung ikaw ay bibisita sa Tacloban, huwag mong palagpasin ang pagtikim sa mga pamosong pagkain dito.

Ang paboritong kakanin na ito ay gawa mula sa kumbinasyon ng taro, gatas, asukal, gata at itlog. Inilalagay ito sa kalahating bao ng niyog at binabalot ng dahon ng saging at niluluto. Ito ay matamis at malagkit at ang lasa ay kakaiba at talagang hahanap hanapin.

Ang suman ay gawa sa malagkit na bigas na niluluto at binabalot ng dahon ng saging. Maraming klase at bersyon ng suman ang mayroon sa Visayas, ang iba ay matamis at linalagyan ng latik, at ang iba naman ay simpleng malagkit na binabalot ng dahon ng saging. Ngunit kahit anu pa man ang bersyon ng suman basta galing at ginawa sa Visayas, patok na patok ito sa mga salo salo at mga dumadayo sa siyudad.

Ang Muron ay isa sa mga pangunahin at pamosong kakanin sa Leyte na pwedeng mabili sa downtown ng Tacloban. Kung ang suman ay gawa sa malagkit na bigas o kanin, ang Muron ay gawa rin sa bigas ngunit ito muna ay giniling. Mas malambot din ang muron at pinaghalong chocolate at vanilla flavor. Ang special na Muron ay nilalagyan naman ng cheese at mani. Sobrang nakakatakam at hindi dapat palampasin kung ikaw ay bibisita sa Tacloban.

Tacloban Konklusyon

Ang Tacloban ay isa sa mga lugar sa Visayas na dapat puntahan ng mga manlalakbay. Ang makulay na tradisyon at kultura ng mga Pilipino ay buhay na buhay sa siyudad na ito. Maraming mga istruktura at lugar ang nandito na naging parte ng kasaysayan ng Pilipinas na hindi mo dapat palampasin na bisitahin. Kahit paman dumanas ng pagsubok, at delubyo, naging mas matatag at naging progresibo ang siyudad. Kahit ngayon na may pandemya, patuloy na nagiging matatag ang komunidad kasabay ng striktong pag-iingat ang pinapatupad sa lungsod, kaya kung ikaw ay may planong bumisita sa lungsod, alamin kung ito ba ay kasalukuyang pinahihintulutan at maging maingat. Gayunpaman, nakakapanabik at siguradong ang paglalakbay sa pagbisita dito sa Tacloban ay isang karanasan na hindi kailanman makakalimutan. Bisitahin ang website ng lokal na pamahalaan.